Tula ni Amado V Hernandez
Ako’y ikakasal..
ang aming tahana’y
masayang katulad ng parol king pisata, magara’t makulay;
kangina pa’y walang patlang ang tugtugan,
agos ang regalo’t buhos ang inuman;
ang aking magiging kabiyak ng buhay
isang kanluraning mutyang paraluman:
marilag, marangya, balita, mayaman,
sadyang pulotgata sa bibig ng isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan
nang kami’y lumulan,
may natanaw ako sa tapat ng bahay
na isang matandang babaing luhaan;
subali’t sa gitna ng kaligayahan,
sa harap ng aking gintong kapalaran,
siya ay hindi ko binati man lamang
at hindi ko siya pinansin man lamang,
tuluy-tuloy kami sa nagagayakang simbahan sa bayan.
Kapwa maligayang nagsiluhod kapwa
sa paa ng altar, sa pilak at gintong masamyong dambana:
pagkasaya-saya’t ang mga kampana
ay nagtitimpalak sa pagbabalita
ng aming kasalang lubhang maharlika:
datapwa,
ang larawang buhay ng kaawa-awa
--ang matandang yaon—wari’y nakalimbag sa mata ko’t diwa;
at ang tumutulong luha ng kandila
tila ang kanya ring masaklap na luha;
gayon man, sa piling ng kahanga-hanga
at sakdal ng gandang kaisangpuso ko’y niwalangbahala
ang pagkabalisa, at ang aking budhi’y dagling pinayapa.
Natapos ang kasal…
maligayang bati, birong maaanghang
at saboy ng bigas ang tinanggap namin pagbaba sa altar;
nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyan
ay may alingasngas akong napakinggan…
at aking natanaw;
yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
at siya’y patakbong aking nilapitan;
nang kandungin ko na sa aking kandungan,
sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’t kalungkutan,
masuyong nangiti’t maamong tinuran:
“Bunso ko, paalam,
ako ang ina mong sawing kapalaran…”
at ang kulampalad ay napalungayngay,
at nang aking hagkan
ay wala nang buhay.
sa nanginginig kong bisig din namatay!
Siya’y niyakap ko nang napakatagal:
Inang! inang! inang!
Ayaw nang balikan
ng tibok ang pusong sa hirap nawindang,
kahi’t dinilig ko ng saganang luha ang kawawang bangkay.
Noon ko natantong ang ina kong mahal,
ang Inangwika kong sa aki’y nagbigay
ng lahat kong muni, pangarap at dangal,
subali’t tinikis sa gitna ng aking ginhawa’t tagumpay
at mandi’y pulubing lumaboy sa labis na karalitaan,
namatay sa kanyang dalamhating taglay
nang ako’y sa ibang mapalad magmahal,
nang ako’y … tuluyang pakasal
sa Wikang Dayuhan!
Hango sa blog ni KNELZONE
Isa pang website na pag-aari ni Brave New World na tumala rin sa tulang ito ni Ginoong Amado Vera Hernandez.
6 comments:
Another great blog, to cherich the national language of filipinos and the great works of poets. BTW, was looking where to comment on your apron and chopboard blog. I have a food blog too and I want to connect.
Thanks Pacey for dropping by. Much appreciated.
Hi there! I hope that you may have some time to feel free to visit my blog. :)
Maraming salamat Kababayan. I could not find the Post Comment. Palagay ko kailangan mo i-check ang Setting.
Deep and powerful metaphor of hopelessness you have expressed for the future of our motherland. I don't know, but I stopped thinking about that long ago. The political system our country continues to stay in its scrimmage state. No amount of bullets and weapons will remedy the situation. It's a shame that skulls and rotten carcasses, figuratively speaking, have replaced the beauty that once had made us genetically proud of our heritage.
medio malalim yun, akala ko nga tuluyan ng aagos ang dugo ko sa ilong, magaling ka pong gumawa ng tula uh.. and thanks for not forgetting our languange.. yngat ka lagi, godbless!
nasa ugat natin ang sarili nating wika. kailan pa man hinding-hindi ko makakalimutan yon. kung baga kaluluwa rin natin yon. salamat din sa pagdalaw.
Post a Comment