Pages

Sunday, January 1, 2012

Hango sa Padala ni Nong Joeboy

Sampung Payo Sa Mga Gustong Tumanda Na Malakas Ang Katawan

1 Huwag agad bibitawan ang iyong trabaho. Maging abala hangga’t maari. Ito ang magpapanatili sa iyong kabataan na labis nyong ikaliligaya.

2. Hangga’t maiiwasan, huwag makitira sa mga anak na may pamilya na. Kumuha ng isang lugar na matitirhan. Panatilihin ang iyong kalagayan upang makaiwas sa pakikipagtalo sa iyong anak at manugang. Ang makitira sa kanila ay magiging sunod-sunoran ka na lamang, hindi makakapag decision sa sarili at mawawalan ng karapatan na labis mong ikalulungkot.

3. Hawakan ng mahigpit ang iyong baul. Kung magbibigay ng pera sa anak, yung kaya mo lamang at laging magtira ng malaking bahagi para sa sarili mo. Ang libro de bangko na may laman ay magandang kaibigan sa iyong katandaan.

4. Huwag masyadong maniwala sa iyong anak na nagsasabing kayo ay aalagaan. Madalas ang mga nagbabanggit nyan ay syang mga hindi gagawa. Ang mabuting anak ay hindi nagbabanggit ng anuman at ang masamang anak ay kailanman hindi tutupad ng pangakong binitawan.

5. Upang manatili kang masaya, panatilihin ang pakikipagkaibigan at magdagdag pa hangga’t maaari. Humanap ng mga kaibigan na mas bata sayo. Ang mga matatanda kasi ay malapit ng mamahinga at ikalulungkot mo na labis ang paghahanap ng kapalit. Sumali sa mga magagandang asosasyon, grupo, kooperatiba, o apostolada.

6.Maging maayos, laging maganda, malinis at mabango. Ang katandaan ay hindi dahilan upang ikaw ay maging madungis at nanlilimahid. Sila ay di dapat na mandiri sayo kaya’t pangalagaan mo ang iyong sarili.

7. Maging abala sa pagawa ng kabutihan sa kapwa. Asikasuhin sila upang asikasuhin ka din nila ayon sa “law of ripple effect”. Huwag kalilimutan magdasal sa araw araw.

8. Huwag panghimasukan ang buhay ng iyong mga anak. Hindi sapagkat anak mo sila ang lahat na magugustuhan mo ay magugustohan din nila. Alalahanin mong nagbabago ang panahon.

9. Huwag ipagyabang ang iyong katandaan. Hindi sapagkat ikaw ay lumilinya na sa 80 ay napaka runong mo na. Isaisip mo na hindi mo taglay ang lahat ng karunungan sa mundo. Huwag isipin na ang katandaan ay kalayaan upang maging inutil, ulianin at wala ng silbi sa buhay. Makipag paligsahan sa lahat ng bagay para may dahilan ang bawat pagising mo sa umaga.

10. At sa wakas, huwag maging makulit. Huwag ikuwento ang nakaraang panahon ng paulit-ulit. Huwag ikukumpara ang mga bagay bagay na makakasakit ka sa kapamilya. Huwag maging mapaghanap. Matuto kang mag-puri ng magandang nagawa ng kapamilya upang manatili ang magandang samahan. Hanggat kaya, magbasa ng magbasa ng dyario, libro at makinig sa mga talakayan sa radio. Ang “imaginative mind” ay malayo sa Alzheimer’s disease.

11. Huwag panghimasukan na magalaga nang mga apo hangga't maaari. Tungkulin nang mga anak ang magalaga sa kanilang mga anak!! Napalaki at napagaral mo na ang mga anak mo, sila na ang magpapalaki sa kanilang mga anak.

No comments: