Pages

Wednesday, November 16, 2016

TULA: "ANG TUHOD"

Isinulat ni Hess Lapid


Ang tuhod, kapag makinis at walang mantsa,
Madalas, ito ay nangngahulugan na:
Hanggang ngayon, mula pagkabata;
Mabibigat na trabaho - 'di gumagawa.

Nang pinuna ng Presidente,
Makinis na tuhod ng Bise;
Maraming natameme,
Ang iba naman, sumimple:

"Pambabastos sa kababaihan!"
Sabi na naman;
Tunay na kahulugan,
'Di na pinagisipan.

Ano nga ba ang nakatago,
Sa isang binitawang biro;
Dali! Isip tayo:
Tuhod na makinis - ano ba talaga ito?

Mga tuhod na walang kalyo,
Apat na buwan sa puwesto;
"Hindi nagtratrabaho!"
Iyan ang ibig sabihin nito.

Source: FB shared by Thinking Pinoy
(November 2016)

No comments: