Samahan niyo po akong basahin at pagnilayan ang ating alay para ating pinakamamahal na Inang Bayan.
TUNAY NA PILIPINO, TUNAY NA PAGBABAGO
Ni Rado Gatchalian
September 21, 2017
Global and Social Media Movement for Real Change
Ang bayan ay nananatiling matatag sa bawat pangarap ng mga taong bumubuo nito. At lalo itong tumitibay dahil sa mga nilalang na handang kumilos at magsakripisyo para sa bayan. Lahat tayo ay nangangarap na maging maunlad ang Pilipinas. Marami sa atin ang buong buhay na umaasa na sana bago man tayo pumanaw ay masilayan natin ang bagong umaga sa ating lupang sinilangan. Kung hindi man sa buhay na laan sa atin, tayo ay nananalangin na sana ang mga anak at apo natin ang makatuwang sa kaganapang ito.
Sa ating pangarap nabubuhay ang ugat at yaman ng ating lupa. Dahil dito hindi tayo nawawalan ng pag-asa na isang araw abot-kamay na natin ang matagal nating pinapangarap para sa ating bayan.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Huwag tayong sumuko. Huwag nating baliwalain ang mga nagsusumikap na magiba ang pangarap na ito. Patuloy tayong lumaban.
Ito ang dahilan kung bakit iniluklok natin ang dating Mayor Rodrigo Duterte bilang ating Pangulo. Sa kanya natin nakita ang pag-asa at katuparan ng ating matagal nang pinapangarap para sa bayan. Nabuhayan tayo ng lakas. Muling sumibol sa ating kaluluwa ang marubdod na pagmamahal sa bayan.
Sa pamamagitan niya nakita natin na kaya pang muling bumangon ng ating Inang Bayan.
Huwag nating hayaang patuloy na ibagsak ng mga kalaban ang ating Inang Lupa.
Habang nariyan ang bawat Anak ng Bayan na handang maglaan ng pangarap at pag-asa para sa Pilipinas – makakaasa tayo na sa bawat gabing magdaraan may umagang masisilayan.
Hindi nakapagtataka kung bakit marami sa ating mga Pilipino ngayon, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa, ang para bang biglang umusbong na bulaklak na naglabasan para lang maipakita ang mainit na pagmamahal sa bayan. Sa ating pagmamahal sa bayan: pinagkaloob natin ang ating oras, buhay, at pagtitiwala sa isang taong karamay natin sa pangarap na ito. Si Pangulong Duterte.
Hindi tayo panatiko. Lalong hindi tayo bayaran. Meron tayong mukha at pangalan. Anumang paratang sa atin – walang makapipigil sa ating nag-aalab na pagsuporta sa ating Pangulo.
Karamay natin ang ating Pangulo. Kasama natin siya. Iisa ang tinitibok ng puso ko, mo, niyo, at ng ating Pangulo: pagmamahal sa bayan.
Ito ang dahilan kung bakit sa bawat panira at pag-atake sa ating Tatay Digong ay tayo mismo ang nasasaktan. Dahil siya ang ating ama at tayo ang kanyang mga anak. Hindi natin pababayaan at iiwan ang bawat isa.
Patuloy tayong mangarap. Patuloy tayong kumilos. Para sa Tunay na Pagbabago. Para sa ating Pangulo. Para sa ating Bayang Pangako.
Ngayon ang pinakamagandang yugto para magkapit-bisig bilang isang Tunay na Pilipino.
Sama-sama tayo sa paglalakbay na ito.
Tunay na Pilipino. Tunay na Pagbabago.
#MoveforChange
#TuloySaPagbabago
#MovementParaSaPagbabago
#SolidDutertePaRin
#TeamPagbabago
#SaludoPNP
No comments:
Post a Comment