Sunday, February 8, 2009
Ang Aking Simulain
Mga hiram kong pamilya.
"Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggagalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.". Ito ang salawika-in ng nasirang Presidente Ramon Magsaysay. Grade 1 pa ako nuon nang siya'y namatay sa Mt Pinatubo dahil ang eroplanong sinakyan niya ay bumagsak o na-crash.
Ako'y lumaki sa pamilyang sundalo na kung saan ang gulo, nandoon din kami. Mulang pagkabata'y di ko mabilang kung ilang beses na kaming nagpalipat-lipat. Takbo dito, lakad duon, lipad dito, lundag duon; yan ang buhay na kinagisnan ko, parang gypsy o di kaya'y nomad dahil sa kung saan-saang dako kami dadapo at ipadpad. "Strike anywhere" ayon sa military parlance. Marami kaming magkakapatid dahil normal ang mga magulang ko. Alam mo na sa Pinas, hindi uso nuon ang 'family planning'.
Masayang-magulo ang buhay pamilya pag marami. "Mas marami, mas masaya", ika nga. Buti nalang kahit huli na akong nag-asawa nakadalawa pa rin ako. Sa umpisa akala ko mapagmahal yong mama na napangasawa ko. Nang magkaroon na kami ng anak, biglang tumiwarik ang daigdig ko. Kasi akala ko pwede kong pagtiyagaan kung sakaling magkaroon kami ng sandosenang anak. Iba pala dito. Sa totoo lang hindi ko akalain na magka-anak pa ako dahil may edad na rin akong nag-asawa. Pero sige lang. Ang importante naka-iwas ako sa magulo at ang buhay sa ngayon ay 'ayos lang'.
Laking Lanao ako: Norte at Sur. Ang unang-dalawang taon ko sa high school ay doon idinaos sa Baroy, Lanao del Norte, sa paaralang Lanao del Norte Provincial High School. Tapos nang lumipat kami sa LUMBATAN, LANAO DEL SUR, sapilitan akong natigil ng isang taon dahil walang eskwelahan sa Lumbatan na magbigay kredito sa dalawang taon natapos ko.
Kaya sa sumunod na taon, 1966, pinagpatuloy ko ang aking high school sa St. Mary's High School, Marawi City. Ang Marawi City ay pinalibutan ng mga lungsod bordered by Lake Lanao. Ang tubig sa Lake Lanao ay doon dumadaloy sa Maria Cristina Falls ng Iligan City, Lanao del Norte.
Napakadaming klase ng bahay ang natirhan namin nuong araw. Pakisilip na lang DITO para may idea kayo kung anong uri ang mga kabahay-bahayanan sa mga lugar na aking pinagmulan. May maganda at may hindi. Ang importante, mga tao ang nakatira sa mga bahay na ito.
Siya, hindi ko na hahabain ito. Total wala namang babasa nito. Gusto ko lang ipakita ang ibat-ibang uri ng traditional houses sa bayan namin. Minsan sa buhay namin nakatira kami sa isang bahay na puro Kawayan. Mulang haligi hanggang atip, bentana, pintu-an, sahig, kama, mesa, upu-an. Pati yong pagkain namin ay kawayan na kung tawagin ay DABONG o BAMBOO SHOOTS. Ayaw niyong maniwala? Kayo rin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I so agree with the first set of sentences..
I know some Padua and Gomez in Legazpi. In fact I worked with them in school. I worked with a teacher (ex bf hehehe) in Divine Word and also know a priest who helped me with my college, Fr. Mike (He's from Guinobatan. Where are you from the Philippines?
Yes, that's the place, Guinobatan. I used to have a Padua workmate in Manila and met the mother of the Gomez family in Caloocan. I come from Mindanao. What a small world. Do you know if anyone of them are blogging? Perhaps I can reconnect to any of them?
Post a Comment