By Magali Ama
October 1, 2017
Isang alay, isang pagpupugay sa mga tumatangkilik at nagtatanggol sa Pangulo at sa administrasyon - ang magigiting na Duterte supporters, defenders, warriors...kayong mga naniniwala at kaagapay sa pagsulong ng mga pagbabago para sa maayos, mapayapa at maunlad na bansa; kayong nakikipaglaban sa social media (dahil ang mainstream media ay hawak ng nanilaw-namuting kampo) para sa katotohanan na hindi alintana ang pambabalahura ng mga makakabila kahit madami ang nasususpinde ang mga fb accounts...kayong walang pangsarili o pampartidong interes...ang awit na ito ay kumakatawan sa bawa't isa sa inyo...ang tunay na Pilipino sa diwa, sa gawa at sa salita.
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino ang dugo'y
maharlika,
Likas sa aking puso adhikaing kay ganda,
Sa Pilipinas na aking bayan, lantay na perlas ng silanganan,
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal...
Bigay sa aking talino sa mabuti lang laan,
Sa aki'y katutubo ang maging mapagmahal,
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa ang minimithi ko,
Sa bayan ko't bandila laan buhay ko't diwa,
Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo...
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
ANG PILIPINO AY AKO!!!!!!!
Saludo sa inyo...Mabuhay kayo!!!!
No comments:
Post a Comment