TAGALOG VERSION
By: Pamela Saavedra
Isang araw sa Davao City, pumasok si Tikboy sa isang barbershop malapit sa City Hall upang magpagupit. Pagpasok niya, walang customer sa loob. Nakita niya ang isang matandang barbero na nagbabasa ng newspaper. Ang headlines – “De Lima, Walked Out From Senate Hearing”.
Barbero: Magpapagupit ka sir?
Tikboy: Oo, kol. (Kol, short for Uncle/Manong, tawagang ginagamit mostly ng mga bisaya)
Barbero: Dito ka umupo sir. Anong gupit ang gusto mo?
Tikboy: Yung “barber’s cut” lang.
Habang ginugupitan si Tikboy, naaliw siya sa pakikipag-usap sa matanda.
Tikboy: Grabe ‘yung hearing kagabi noh? Nagsigawan na sila. Nag walk-out si De Lima.
Barbero: Oo nga eh. Parang circus.
Tikboy: Hay naku, ayaw talaga tumigil nitong Trillanes at De Lima. Plano talaga nilang paalisin sa pwesto si Duterte.
Barbero: Oo nga pero parang malabo yang mangyari, dong. Wais si Digong para sa kanila.
Tikboy: Sana nga. Pero grabe na rin yung paninira ng ibang bansa.
Barbero: Pero sa pagkakaalam ko kay Digong, hindi yan paaapi. Matagal na ako dito sa Davao, pero niminsan hindi ko nakitang umatras si Digong sa kanyang kalaban.
Tikboy: Totoo yan. Sinabihan pa nga nya si Obama na “Go to hell” bago lang. Hehe
Barbero: Ganun ba? Pilyo talaga itong si Mayor. Iniinis lang niya yang si Obama.
Tikboy: Oo nga kol. Di ba sya natatakot? Presidente rin yun nang America.
Barbero: Naku, wala yang kinatatakutan si Digong, sabihan lang kita. Yang si Obama at Ban Ki Moon din naman yung unang sumaway at nakialam sa kanya regarding extra-judicial killings.
Tikboy: Alam mo rin pala yan Kol?
Barbero: Oo, kasi nakikinig din naman ako ng balita. Minsan, nagfa-facebook din ako. Bigay pa nga tong cellphone ko sa anak kung nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito yung ginagamit ko kahit minsan free data lang.
Tikboy: Ganun ba. Mabuti’t updated ka rin sa mga balita.
Barbero: Alam mo ba kung bakit mainit ang dugo ni Duterte sa Amerika?
Tikboy: Dahil dyan sa Human Rights?
Barbero: Isa lang yan, pero nagsimula yan noong may sumabog na bomba dito sa Davao, matagal na.
Tikboy: Yung sa Roxas, kol?
Barbero: Hindi. Yung nangyari pa noong 2013. Yung sa airport, Davao wharf, at terminal.
Tikboy: Ay oo, naalala ko yun. Bakit pala?
Barbero: Pagkatapos kasing sumabog ng bomba, na discover nila na C4 yung ginamit pareho nung ginamit ng isang CIA agent na nakapasok dito sa Davao.
Tikboy: Ha?
Barbero: Oo. Yung CIA agent na si Michael Terrence Meiring. Siya yung tinuro ng mga sundalo dito sa Mindanao na nagsupply umano ng mga bomba at mga armas sa mga terrorista.
Tikboy: So, possible na yung CIA ang umutos sa pambobomba dito sa Davao? Saan mo naman nalaman yan, kol?
Barbero: Laro ka kasi ng laro ng DOTA. Research ka rin pag may time.
Tikboy: League of Legends yung nilalaro ko, kol. Ipagpatuloy mo nga yung kwento mo, nakakaaliw eh.
Barbero: Ayun, nung nalaman ni Duterte about kay Meiring, huli na. Hindi na nila naabutan sa hotel si Meiring. Kinuha na pala siya ng mga FBI, pinalabas na ng Pilipinas. Kaya ayun, nagalit talaga si Duterte kaya hinding hindi niya yan makakalimutan. Masakit talaga sa loob niya. Napakabastos nung ginawa nung CIA agent.
Tikboy: (Tahimik lamang na nakikinig.)
Barbero: Kaya ayun, nag request yung America na gamitin ang airport para sa kanilang military drones, hindi pinayagan ni Duterte. Yung purpose lang naman nila eh para may base sila na gagamitin dito sa Pilipinas upang makipag giyera sa China. Gusto kasi ng America na magiging hegemon sila.
Tikboy: Ano yang hegemon, kol? Pokemon lang kasi yung alam ko.
Barbero: Hegemon, yung sila ang maghahari sa buong mundo.
Tikboy: Naku, di pala natin mapagkakatiwalaan tong mga kano.
Barbero: Pero yung tanong dyan eh, bakit gusto ni Digong na maging independent tayo at hindi tayo aasa sa America? Bakit mas panig siya sa China at Russia?
Tikboy: (Bakit ako ang tinatanong nito?) Ewan ko, Bakit pala?
Barbero: May aaminin akong sekreto sayo, it’s up to you kung maniniwala ka o hindi.
Tikboy: Anong sekreto yan, kol?
Barbero: Namumulubi na ang America.
Tikboy: Namumulubi? Eh ang yaman ng America eh.
Barbero: Oo, mayaman sila…pero hindi na yan magtatagal. Kung susukatin mo ang yaman in terms of purchasing power, pinaka mayaman ang China. Mukhang mayaman lang naman ang America dahil ang lahat ng bansa ay nagba-base sa US Dollar. Yung nagback-up niyan eh yung oil. Ang nagsusupply ng oil, yung Saudi. Kaya, kahit gaano karaming human rights violation ng Saudi Arabia, hindi talaga yan sisitahin ng America kasi yung Saudi ang pumopondo sa kanila. Mga ipokrito.
Tikboy: (Iba ka, Kol.)
Barbero: Pero, meron pang isang sekreto!
Tikboy: Ano yan?
Barbero: Malapit nang maubos ang oil ng Saudi.
Tikboy: (Confused.)
Barbero: Di ka naniniwala noh? Lahat ng gamit natin, ginagamitan yan ng petroleum. Hindi lang yan sa diesel at gasolina. Plastic, goma, nylon, pvc pipe, floor wax, crayons, rubbing alchohol, pintura… halos lahat ginagamit yan. Kaya ganun nalang kabilis mag extract ng oil ang Middle East ngayon. Maniwala ka man o hindi, pati Canada at America, nag-eextract na rin sila ng langis nila.
Tikboy: Ganun ba? So, yung ibang oil natin eh galing pang America?
Barbero: Possible. Pero iba sa kanila doon kasi mas delikado yung extraction. Tinatawag na “fracking”. Binabasag ang mga bato sa lupa, bago sinisipsip ang langis sa ilalim. Ang delikado dun eh nag-aabsorb sa aquifer, kaya nahahalo sa kanilang inuming tubig. Kaya minsan, makikita mo nalang umaapoy yung mga tubig nila doon kapag sinisindihan. Ang kawawa diyan eh yung mga tao.
Tikboy: Grabe, baliw talaga!
Barbero: At eto pa yung masama. Dati kasi, lahat ng pera ay backed-up by gold reserves. Ngayon ang ginawa ng America, ginawa nilang back up ang oil. Yung gold nila, wala nang pondo ang Federal Reserves nila. Inubos at binili na ng mga oligarchs. Mga malalaking kompanya na ang nagpapatakbo ng kanilang bansa ngayon. Masyado kasing kampante yung America. Kaya yun, gusto ng Germany na kunin yung gold reserves nila sa America, pero wala nang maibigay ang America. Sobrang tiwala kasi nang ibang bansa sa dolyar. Hindi nila iniisip na fiat currency lang yun. Papel na walang silbi.
Tikboy: (Nosebleed naman ako sa’yo , kol)
Barbero: Ngayon, dahil dito gustong bawiin ng China ang kanilang investment worth $1 trillion. Eh wala nang maibigay yung America eh kasi namumulubi na nga. Kaya ang ginawa ng China, nag hoarding sila ng gold. Pati Russia, yan din ang ginagawa. Halos lahat ng gold ngayon eh inubos nang bilhin ng China at Russia kasi alam nilang mahina na ang America.
Tikboy: Ahhh, kaya pala gusto ni Duterte na sa China at Russia tayo kakampi.
Barbero: Ganito kasi yan. May mga economic powers ang mundo. Ang mga established nyan ay yung mga First World o yung tinatawag nating West. Sila yung Europe at America. Pero, meron ding tinatawag na emerging superpowers, yan yung BRICs. Brazil, Russia, India and China. Yang mga yan, sobrang yaman na nila ngayon. Ang masama nito, yung West eh dahan dahan nang nagkakahiwalay. Did you observe na si Duterte lang talaga ang nag open up nang ganitong issue sa lahat ng Presidentiables noong campaign? Ang sabi nya, wala na daw hawak ang America sa Europe. Bankrupt na yung Greece at gusto nang pumanig sa Russia. Tama talaga si Duterte kasi yan yung totoo. Noong 2014, gustong umalis ng Scotland sa United Kingdom. Tapos, last 2016, tuluyan na talagang umalis ang Great Britain sa European Union. Ang susunod na aalis nyan ay France, tapos Italy, Germany, hanggang sa tuluyan nang mawasak ang EU. Kaya ganun nalang sinisaway ni Duterte ang European Union kasi wala na yang silbi.
Tikboy: (Hala, nagyawyaw (babble) na si angkol)
Barbero: Balik tayo sa BRICs. So, unti-unti nang humihina yung West, tapos lumalakas yung BRICs. Pero meron pang mga bansang lumalakas din. Hulaan mo kung ano?
Tikboy: Bakit ka ngumingiti, kol? Kasali ang Pilipinas dyan noh?
Barbero: Mismo! Ito yung tinatawag na TIMPs – Turkey, Indonesia, Mexico and Philippines. Tayo yung mga emerging developing countries. At yan ang tini-take advantage ni Duterte kasi emerging power na rin tayo particularly dito sa Asia. Saan ka papanig? Sa humihina o dun sa lumalakas? Sa West or sa BRICs? Yan yung sagot kung bakit mas mainam na papanig tayo sa China at Russia kontra sa America at Europe. Long term kasi yung iniisip ni Digong. Wais masyado.
Tikboy: Iba pala talaga tong Presidente natin ngayon.
Barbero: Bilib nga ako sa kanya eh.
Tikboy: Tapos, ano na mangyayari sa America ngayon?
Barbero: Dahil malapit na silang ma-bankcrupt, nagre-ready na yan sa isang malaking giyera. Wala na silang mapuntahan, no choice na yan sila. Kaya nga pinapalibutan na nila yung Russia at China kasi just in case na may mangyari, ready na sila. Sabihan kita, maraming walang alam pero malapit na ulit magka giyera.
Tikboy: Ang Pilipinas?
Barbero: Hindi, ang buong mundo. World War 3.
Tikboy: (Tumayo ang mga balahibo.) Sure ka, kol?
Barbero: Hindi mo lang kasi yan naririnig sa mga balita, pero yung ibang bansa, naghahanda na yan. Sa America, di alam ng mga tao doon pero nagre-rehearse na sila ng Martial Law. Ano pala yang Jade Helm 15, na katwiran nila eh military exercise lang daw. Yang mga facebook at twitter accounts, mga emails; kontrolado na yan ng US government. Kasi just in case na may i-trace sila eh madali na nilang mabisto at madakip. Yan yung enexpose ni Edward Snowden. Sa Russia kahapon, 40 million Russians ang sumali sa kanilang Nuclear Disaster drill. Kasi yang Syria, malapit na talaga yan. Konting di pagkakaintindihan nyan, magliliparan na mga nuclear sa dalawang bansa. Yung China, naghahanda na rin. Ang mga tunnels nasa mga kabundokan nila, puno na ng mga nuclear weapons.
Tikboy: Nakakatakot naman yan. Ano naman magagawa natin dyan?
Barbero: Kaya nga bina-balanse ni Digong ng mabuti yung problemang yan. Yan yung tinatawag na ‘hedging’. Kasi kung patuloy tayo na magiging puppet ng America, tapos lalagyan nila ng base-militar dito, tayo ang kawawa. Gagawin lang tayong battleground sa giyera ng US sa China. Most likely ang Palawan talaga ang kawawa. Kaya nga tinitimpla ni Digong yung sitwasyon ng dalawang bansa.
Tikboy: Eh pano kung ang China naman yung aatake sa atin?
Barbero: Parang malabo yang mangyari pero possible rin. Kaya nga sinabi ni Digong na palalakasin nya yung alliance sa Russia kasi doon siya kukuha ng military hardware. Maganda ang mga armas ng Russia, state-of-the-art. Modern na rin. Maganda rin naman ang armas ng America ngunit mahal masyado yung maintenance unlike Russia na madali lang i-maintain. At sa manpower din, kaya naghahanda na rin si Digong. Hanggan diyan lang talaga yan sila sa Scarborough. Paano kasi eh nasimulan na ‘yan nung panahon ni Aquino. Sabi pa nga niya sa isang speech niya noong August 24, wag mo talagang kalimutan. It was addressed to China. “I guarantee to them na kapag kayo pumasok dito, it would be bloody. And we will not give it to them easily. It would be the bones of our soldiers, isali niyo na yung akin, pero we will not allow any country to invade the Philippines.”
Tikboy: Grabe, ang tapang! Kakayanin kaya natin ang China?
Barbero: Hindi lang China, kundi kahit anong bansa na gustong sakopin ang bansa. Tandaan mo, kahit gaano kaliit ang Vietnam, di yan nakuha ng America. Sa lahat ng Presidenteng dumaan, si Duterte lang yung pinakamagaling in terms of defense. Kung meron man mag invade sa atin, di pa nila nakikita na ang Pilipinas magkakaisa kasama ang AFP, NPA, MILF, at MNLF. Susunod yan lahat para depensahan ang Pilipinas.
Tikboy: Tama ka, kol.
Sa tagal ng pag-uusap nila, natapos rin sa wakas si Tikboy sa pagpapagupit.
Barbero: Oh, mukhang naaliw na tayo sa pag-uusap. Tapos na yung gupit mo. (Sabay bigay ng brush na may polbos.)
Tikboy: Magkano, kol?
Barbero: Singkwenta lang.
Tikboy: Okay kol, salamat. Naaliw talaga ako sa mga kinwento mo. Totoo ba lahat yun?
Barbero: Ahw, depende yan kung paniniwalaan mo o hindi. Sabi nga nang nakakarami, “Ito’y kwentong barbero lamang.”
No comments:
Post a Comment